2015

Dantaon: ika-20 dantaon - ika-21 dantaon - ika-22 dantaon
Dekada: Dekada 1980  Dekada 1990  Dekada 2000  - Dekada 2010 -  Dekada 2020  Dekada 2030  Dekada 2040

Taon: 2012 2013 2014 - 2015 - 2016 2017 2018

Ang 2015 ay isang taon sa kalendaryong Gregorian.

Enero

  • Enero 7 -- Franceː Pinatay ng dalawang gunman ang 12 katao at 11 iba pa ang sugatan sa mga tanggapan ng mapanuyang pahayagang Charlie Hebdo sa Paris. Ang pagsalakay na ito at apat na kaugnay na mga insidente ng terorismo sa loob ng tatlong araw ang nagdala sa milyon-milyong mga tao para sa welga ng pagkakaisa sa Paris at sa buong France.

Abril

  • Abril 25 -- Nepalː Niyanig ng isang magnitude-7.8 na lindol ang bansa, na ikinasawi ng higit sa 8,800 katao at milyun-milyong iba ang nawalan ng tirahan. Ang daan-daang mga aftershocks at isa pang lindol noong Mayo 12 ay nagdulot ng higit pang ganap na pagkasira.
  • Abril -- Estados Unidosː Namatay ang 25-anyos na si Freddie Gray dahil sa mga sugat na natamo sa kustodiya ng pulisya. Nag-udyok ito ng dalawang linggong mga protesta sa downtown Baltimore. Ang insidenteng ito ay nagpainit muli sa patuloy na debate tungkol sa pagbabantay at naging isa pang punto ng pokus para sa kilusang Black Lives Matter.

Mayo

  • Mayo 12 -- Nepalː Isang pangalawang napakalaking lindol.
  • Mayo -- Irelandː Ito ay naging unang bansa sa mundo na nagsaligal sa same-sex marriage sa pamamagitan ng isang pangkaraniwang boto.

Hunyo

  • Hunyo -- Estados Unidosː Pinasyahan ng kataas-taasang hukuman ng U.S. na lahat ng mga estado ay dapat payagan ang same-sex marriage.
  • Hunyo 17 -- Estados Unidosː Pinatay ng isang gunman ang siyam na tao sa Emanuel African Methodist Episcopal Church sa Charleston, South Carolina, na di-umano'y naudyukan ng paniniwala sa kataas-taasang kapangyarihan ng lahing puti. Nang matuklasan ang mga larawan ng salarin na pumuwesto sa Confederate Flag, nagdulot ito ng debate tungkol sa patuloy na pagpapakita ng bandila sa South Carolina State House at iba pang establisimento sa buong Estados Unidos. Humantong ang usapin sa mga kinatawan ng estado na bumoto upang alisin ang bandila, at kumilos ang iba pang mga estado at lokal na opisyal upang maalis and simbolong Confederate mula sa mga license plates, mga mascot ng paaralan at iba pa.
  • Hunyo -- Greeceː Karamihan ng mga Griego ay bumoto laban sa isang renegotiated bailout agreement, na nagbigay-katanungan kung mananatili ang bansa sa eurozone.

Hulyo

  • Hulyo -- Greeceː Tinanggap ng bansa ang isang bagong bailout package upang maiwasan ang pagka-bangkarote.

Nobyembre

Iba Pang Kaganapan

  • Mexico at Japanː Ipinatupad ang same-sex marriage sa mga lokal.
  • Gresyaː Inihalal ssi Alexis Tsipras bilang punong ministro sa isang anti-austerity platform.
  • Estados Unidosː Nagsimula ang kampanya at serye ng mga debate para sa Halalang Pampanguluhan 2016.
  • Syriaː Patuloy ang lalo pang lumalawak na kaguluhan sa bansa mula noong 2011. Tinaya ng Office of the United Nations High Commissioner for the Refugees na mayroong higit sa 4.1 milyong rehistradong Syrian refugees. Karamihan ay lumipat sa kalapit na bansa at higit sa 500,000 ay nag-aplay sa pagpapakupkop sa Europa.
  • Pandaigdigː Nagpapatuloy ang digmaan laban sa ISIS sa taong ito. Sa buong mundo, kinondena ng mga tao ang mga pagkilos ng organisasyon ng terorista.

Enero

Mario Cuomo
Zhelyu Zhelev
Richard von Weizsäcker
  • Enero 1
    • Mario Cuomo, Amerikanong politiko (ipinanganak 1932)
    • Omar Karami, Ika-58 Punong Ministro ng Lebanon (ipinanganak 1934)
  • Enero 3Edward Brooke, Amerikanong politiko (ipinanganak 1919)
  • Enero 7Rod Taylor, Australyanong aktor (ipinanganak 1930)
  • Enero 9Józef Oleksy, Ika-7 Punong Ministro ng Poland (ipinanganak 1946)
  • Enero 9 – Susan Calo - Medina, Tagapaghost ng Travel Time,Tipong Pinoy (ipinanganak 1941)
  • Enero 10Francesco Rosi, Italyanong pelikulang direktor (ipinanganak 1922)
  • Enero 21Leon Brittan, Britanyang politiko (ipinanganak 1939)
  • Enero 30
    • Geraldine McEwan, Britanyang aktres (pinanganak 1932)
    • Zhelyu Zhelev, Unang Pangulo ng Bulgarya (ipinanganak 1935)
  • Enero 31
    • Lizabeth Scott, Amerikanang aktres (ipinanganak 1922)
    • Richard von Weizsäcker, Pangulo ng Alemanya (ipinanganak 1920)

Pebrero

  • Pebrero 27
    • Leonard Nimoy, Amerikanong aktor Gumanap bilang Orinihal na Spock na Star Trek Tv Series At Movies (ipinanganak 1931)

Mayo

Oktubre


Taon Ang lathalaing ito na tungkol sa Taon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Other Languages