Agosto 13


Ang Agosto 13 ay ang ika-225 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-226 kung leap year) na may natitira pang 140 na araw.

  • 1937 - Nagsimula ang Digmaan ng Shanghai.
  • 1960 - Lumaya ang Republikang Gitnang-Aprikano mula sa Pransiya.
  • 2013 - Napigilan at nawasak ng Israel ang isang Grad Misil na pinakawalan ng Mujahideen Shura Council, miyembro ng Al-Qaeda sa Ehipto sa teritoryo ng Dagat Pula sa bayan ng Eilat.[1]
  • 2013 - Nakunan at naitala sa unang pagkakataon ang ilap at hindi pa nakikitang tribo ng Kawahiva sa maulang gubat ng Amazon sa Brasil.[2]
  • 2013 - Nagsampa ng kasong "batas ng kompetisyon o antitrust" ang Kagawaran ng Katarungan ng Estados Unidos at anim na estado upang mapigilan ang planong pagsasanib ng American Airlines at US Airways.[3]
  • 2013 - Itinaas ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos ang badget ng tulong militar sa Pilipinas mula sa 30 milyong dolyar sa 50 milyong dolyar.[4]
  • 2013 - Sinimulan muli ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Israel at mga Palestino makalipas ang 3 taon.[5]



Araw Ang lathalaing ito na tungkol sa Araw ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Other Languages

Copyright